Paranoia



Senseless Justification
Actions chained in a vision
A blinded heart with no clarification
From an impaired one with a lovely rendition
Images caught by bleary lenses
Innocently posed for a beautiful scenery

One way Ticket



Numbness takes over
Feeling unconscious every second
Blinding flashbacks happening
A haunting voice starts calling

Shadows reaching out
Guiding me out of the light
Hopeless and lifeless
Wishin’ I was already breathless

No one truly knows
No one truly understands
That being lifeless means more
More than a rotting flesh

You’re never defeated
Till you accepted defeat
You’re never alone
Till you believed that you are

There is more than meets the eye
There is more that we still can’t see
That’s why death is not an option
For us to be free


Image Source: http://niconica.files.wordpress.com/2011/05/light-in-the-dark.jpg


Globally Competitive through DTS


If you’re not familiar with the term DTS, it means Dual Training System which put Filipino trainees to a school-industry environment and setup. As we all know, TESDA envisions itself as the leading partner in the development of the Filipino workforce and I myself am witnessing the effects they’ve brought to the community.

With the School-Industry Partnership, Filipinos were indeed globally competitive enough to bring glory not only for them but for the Filipino race as well. Being globally competitive is a dream that every nation desires and as an innovating country, this means a lot more than just work for our countrymen but this could also serve as bragging rights making a nation powerful enough to stand without the aid of other countries.

The School-Industry partnership helps on giving the trainees the experience and knowledge that they should learn before indulging on the trials and wickedness of the cold-hearted industries which doesn’t let their people grow in the process. Yes, industries need professionals who studied for many years and the fact couldn’t even deny that not everyone could gain access to that level and that’s where TESDA barges in. They have the power to lead the people to an outstanding level arming the people the wisdom and confidence to be competitive without minding the hindrances that might come their way. From basic information to the most important ones, from reliable equipments to reliable industry partnership, they guide and teach the needy to success.

DTS is not really new to the country. According to history, the German Model was first introduced in the Philippines during the 1980s. It has two training venues which clearly portrays the term “Dual Training System” and those are the school and the company/workshop. From there, the trainees will learn theories, work values and much more while letting them handle state of the art technologies that will provide them with great experience making them not only qualified but highly competitive as well when they graduate from the program.

As industries continue to grow and innovate, TESDA provides Filipinos with training programs that could help them throughout their lives. I’m not a product of the program but I sure do wish that I was. I’ve seen my friends finish their desired programs and to tell you honestly, wearing “I am a graduate from TESDA” helps them more than they’ve hoped for.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This blog post is an official entry at TESDA's Dual Training System Blog Contest.



Broken Strings


(Image Credit to Original Uploader)
Tightly I held her close
My eyes blinded as my heart froze
Knowing the consequences of what I’ve done
That I who take her for granted will end up with none
Luckily she stay
Here in my heart and forever I pray
And as I thought that we’re close to perfection
We ended up with a perfect revision
Bestowed on us a feast of chaos
A dream turned nightmare
A love tired with nothing to lose
Cause now she’s strong enough
And I felt like my heart was cut loose
Silently I cried and wander
Reminiscing the past were I rule and hover
Though I believe that we’re still solemnly intact
Maybe now is the time to stand a firm act
It’s time to loosen up
Give her freedom for the war to stop
Slow and painful I might actually die
As long as there’s time for me to say “Hi”

Home



A place where people shout
A place where you’d want to go out
A place where they see only dirt
A place where all you can feel is hurt
Never became understanding
Continuous pain and bleeding
Mainly all about correcting
Regardless of what you’re feeling
At the end of the day you’d still be back
No matter where you are you’d still be here
Feeling the part of being locked
And all you are now is fear
Fear that is now consuming
Making lives so confusing
Misleading you to an eternity
An eternity of dying

This is something I created a few months ago. It’s just plain regrets and pain… Not something that I’m proud of. But still one of my creations.

The Rich and The Poor

Nothing much to post since it’s currently our examination week and seriously having a hard time with piles of requirements to pass and things to review. I was just a bit fascinated about some quotations I’ve read in a forum which tackles about financial independence. The thread starter told us that it came from a book named “Rich Dad, Poor Dad”. Then another came which was the “Matthew Effect” which makes me wonder and wonder about stuff. In wikipedia Matthew Effect was defined with a quote saying “The Rich get richer and the poor get poorer”.

Matthew Effect came from a verse in the Bible (Matthew 25:29) which says..
To those who use well what they are given, even more will be given, and they will have an abundance. But from those who do nothing, even what little they have will be taken away.
More will be given… to those who use well what they are given..
Maybe I was guilty about doing nothing and that’s why this verse just pierce me fully. We all have dreams and we can’t reach them without grit, determination, hard work and others that comply with the saying. (Personally I think there’s a lot that affects a person’s success but the battle with the mind is where all of this dilemma began.)
By the way, here’s a song that cheers me up. Another one from Flyleaf.
Title: Arise
Album: Memento Mori
The message was clear… “Arise and be, all that you dreamed”
Don’t let any trials block your way.

I am a Reverie.. I am a Daydreamer.. Soon I’ll become real and my past will be my memories.. A tale that tells success.. A dream turned reality..


Image Credit to : echoes19.wordpress.com

Decisions



“Aim for her heart!” I plead
As the bow stretches while I continuously bleed
“Please aim at it well”, I chant
With all my hope I pray for that spectacular stunt
But my friend cupid unfortunately fail
Misses the target and leaves without a trail
Eagerly I waited for his safe return
Alas! I decided to bury his memories in an urn
Happiness and love were the things that I asked
But fate has its ways so I dare have a glance
And there I see a girl actually meant for me
So again I waited and keep track with this prophecy
This part of my destiny which I have created
Was truly a blessing and never out-dated
‘Cause I choose the path and I am to decide
Now I have my dream girl who never left my side
Walk through faith, not by sight
That should be the bottom line
For this love was God given
Recorded from zero until now to its prime

Here is my entry in a poem contest in a forum that I considered as my school and home. I wasn’t able to win the contest but still the one who won deserves it very well. He was known there by the name thadz. By the way, the theme was Cupid’s Bow.
Well, at least this is still one of my works… Enjoy!
Image Source: Frankly, I don’t know to whom shall I give credit for this image. I just found this image (seems viral) in a social networking site and found it appropriate for my poem so here it is.


The Cynical Life

Unplanned yet worth taking
Miserably enjoying uncertainties
Loving everything from hatred
Preparing for the unknown entity
Aiming for the smallest
Yet begging for the largest
Circling outside a goal
Protecting a memory that they stole
There’s a fork in my path
It wasn’t even good and neither was it bad
I threw up a coin to choose
On which chapter shall I solemnly cruise
And so it came, the decision of luck
Slowly and slowly then it goes stuck!
What an irritating incident happened
Now I’m more confused on how should this end
Stuck in the middle with nothing to decide
Walked straight ahead through thy will I’d abide
Impaired vision, dimmed and broken
But I have You with my side alive and risen!
Single set of foot prints which I have recalled
And tells me now, that for me You tightly kept hold
Astray I might’ve been, but You didn’t let go
To a prodigal son who considered You as a foe

Likas na Yaman




Tayo ang likas na yaman
Ng bansang tinaguriang Perlas ng Silangan
Higit pa sa kahit sinong dayuhan
Lingid lamang sa ating kamalayan



Tayo ang tunay na mananagumpay
Sa lahat ng dako, sa lahat ng sangay
Mga manggagawang nagbibigay buhay
Sa lahat ng larangan, sa iba’t-ibang kulay



Tayo ang mga manggagawang nagtitiis
Para sa pamilya, para sa ngiting kay tamis
Tunay na serbisyong walang kulang, walang labis
Para sa mga among sa ati’y nagnanais



Tayo ang lahing patuloy na nangangarap
Maabot lamang ang tagumpay at mga yakap
Ng anak na litrato lamang ang naiwang hawak
At ng pamilyang nakatingala’t nagmamasid sa alapaap



Tayo ang mga natatanging mamamayan
Mga bagong bayaning kanilang tinagurian
Kahit na patuloy na nasasadlak sa kahirapan
Maging ang kapalit nito ay buhay o kamatayan



Tayo ang likas na yaman
Ng bansang tinaguriang Perlas ng Silangan
Nilibot ang mundo upang makaahon sa kulungan
Na idinulot ng hindi maipaliwanag na kahirapan



Image Credit to : AngWikaBlog

Ito ay  lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon) sa kategoryang "Tula"

Ang Saranggola Blog Awards 2012



ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng 



Sponsors:




Minsang Dayuhan


Agno Pangasinan - Umbrella Rock


“Pa, naimas diay kape idiay!”,                     - (Pa, ang sarap ng kape doon!)

Yan ang winika ng isang inang marahil ay nasa kalagitnaan na ng kaniyang ika-28 taong gulang sa kaniyang asawang bitbit ang kanilang anak sa pamilihan ng isang mall sa isang siyudad sa Pangasinan. Habang pinagmamasdan ko ang mag-asawa ay siya namang pag tusok ng mga tila maliliit na pako na patuloy na pumupukol sa’king damdamin. Marahil ay normal ng dahilan na nais ko lamang magliwaliw o makalimot kaya ako naparito pero sadyang iyon lamang ang natatanging dahilan ko kaya ninais kong maglakbay.

Ako si Elmer, isang Pilipinong nangangarap ng isang magandang buhay kasama ang babaeng aking minamahal.

Gaya nga ng nabanggit ko… Nangangarap lang ako… At marahil mananatili na lamang itong pangarap dahil wala na sakin ang babaeng napili kong makasama pang habang-buhay.

Kakahiwalay lang namin ng aking nobya nitong nakaraang dalawang linggo. Pitong taon din kaming magkasintahan. Hindi ko parin siya makalimutan at tila isang bangungot na lagi ko nalang naiisip kung ano na ang kaniyang kalagayan ngayon.

Nangungulila rin kaya siya? Nahihirapan din ba siya ngayon?, paulit-ulit kong tanong sa aking sarili.

Wala na kaming komunikasyon ngayon. Marahil sobrang sama ng loob niya kaya nagpalit na siya ng numero ng kaniyang telepono.

Wala akong kakilala sa napuntahan kong lugar. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap palang magliwaliw ng mag-isa lalo na kung sa lugar na hindi ka naman talaga pamilyar. Wala akong maintindihan sa mga salitang binibitiwan nila. Wala akong kakilala at sa malilikot kong mga mata, napansin ko ang pagtitinginan ng mga tao sa akin.

Marahil iniisip nila na may “promdi” na naligaw… Prom-di-City!

Siyempre para sa tulad nila, ako yung “alien” sa lugar. Walang kamalay-malay na naglilibot na tila naliligaw.

Kung sabagay, naliligaw nga naman talaga ako. Hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko kaya kung anu-ano nalang ang mga dahilang ginagawa ko maiwaksi lamang ito sa aking sentido.

Sa halagang tatlong libong piso, naglakas loob akong gumala sa malayong lugar. Akalain mo yun!? wala na ngang kakilala, walang kasama at buong tapang pang humarap sa gitna ng maikokonsidera kong dayuhang lugar? Marahil pinagtatawanan din ako ng mga kaibigan ko ngayon sa desisyong pinilit kong tuparin.

Tanghaling tapat na at wala pa akong lugar na matutuluyan. Laking gulat ko nalang na nung magtanong ako sa isang tindera ng yosi sa tabing kalsada ay marunong itong magtagalog!

“Manang, saan po kaya ako makakahanap ng matutuluyan dito?”, tanong ko sakanya.

“Ay, iho, walang mga hotel na malapit dito gaya ng kung anong kinalakhan mo sa Maynila. Maghanap ka na lamang diyan ng taong magtitiwala sayo para patuluyin ka sa kanilang tahanan.”, wika ng tindera.

Napakamot nalang ako sa ulo habang bumibili sa kaniya ng kalahating kaha ng sigarilyo at nagpasalamat. Sino ba naman ang magtitiwala sa hindi kakilala hindi ba? Sa Maynila nga kakilala mo na ng napakatagal na panahon ay siya pa minsang tumatalo sa’yo.

Naglakad-lakad pa ako ng kaunti sa bayan ng may makasalubong akong magandang dilag. Tila taga Maynila rin ang isang ito sa maputi niyang kutis, postura at tila modelong tindig.

“Excuse me miss, pupwede bang magtanong?” bungad ko sa kaniya.

“Bakit po manong? Ano po iyon?" ang siya namang tugon niya sa akin na tila nagbibigay pahiwatig na ang edad namin ay sadyang magkalayo.

Nasa ika-25 taon palang naman ako. Ganun na lang ba katanda ang itsura ko? Kung tutuusin, tila magkasing edad lang naman kami. Sa aming pag-uusap ay hindi ko maiwasang mapansin ang ganda ng kaniyang mga labi, mamula-mula ang mga ito at may kaunting kulay ang kaniyang buhok na nagpapatingkad pa lalo ng kaniyang maamong mukha.

“May alam ka bang maari kong tuluyan dito? Mukha kasing taga Maynila ka rin kaya naglakas loob na akong nagtanong sa iyo.”

“Ay, wala ho. Wala po ba kayong kakilala rito?” Tila, paiwas pa niyang tanong.

“Wala eh, mag hapon na akong naghahanap dito at kung hindi iiwas ang mapagtatanungan ko, parating wala ang sinasagot nila sa akin.” Agad kong tugon sa kaniya.

“Naku, ganun po talaga dito, probinsya naman na ho kasi ito.”

Sa hindi inaasahang lakas ng loob ay naitanong ko sakanya kung maaari ba akong makituloy sa kaniyang uuwian dito sa probinsya na agad din naman niyang sinagot ng mapait na hindi.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Nag mukha na nga akong matanda sa mata niya, bigla pa akong hihirit kung maari ba akong makituloy sa kanila. Pag tapos ng tanong na iyon ay agad na ring nagpaalam ang magandang dilag na aking binigyang palayaw bilang si “Miss Byu” at wala na akong nagawa kundi habulin nalang siya ng tingin.

Patuloy parin akong naglalakad ngayon. Kulay apoy na ang langit na tila nagbabadya pa ng isang malakas na ulan pag sapit ng dilim ng mapadpad ako sa tabing ilog. Umupo ako sandali sa damuhan upang makapag pahinga at suminding muli ng isa pang sigarilyo. Sa maghapong iyon ay tatlo na lang ang naiwan sa binili ko kay manang kanina at habang binubulatlat ko ang laman ng aking bag ay napansin ko ang isang bangka sa tabing ilog. Mukhang may mga tao sa kabilang parte ng ilog ngunit may tatanggap naman kaya sa akin doon? Isa pa, wala rin akong karanasan sa pagsasagwan, pano ko naman kaya ito tatawirin?

Habang nalalapit na ang baga sa upos ng aking papaubos na pampakalma, naglakas loob na akong tumawid sa kabilang ibayo at gamitin ang bangkang naka-daong dito sa aking kinatatayuan. Nai-alis ko na ang mga taling nagbibigkis dito at sa kinakapitan nito nang may sumigaw na tila pamilyar na tinig…

“Manong, aguray ka man!”                          - (Manong sandali lang!)

Nang lingunin ko ito ay si “Miss Byu” ang aking nakita! Kung hindi ba naman ako siniswerte. Hindi parin tapos ang araw ko ngayon.

“Ay manong, ikaw pala.. Saan na ang lakad mo ngayon?” wika niya sa akin.

“Eto, maghahanap parin ng matutuluyan. Tara, sabay ka na sa akin. Itatawid na kita.” Mukang taga dito si Miss Byu, baka swertehin at mapatuloy pa ako sa kanila kahit hanggang sa mga upuan na lang sa labas ng bahay nila.

“Marunong ka ba niyan?” Tanong niya sa akin habang sumasakay sa bangka at nginunguso ang sagwan.

“Oo naman! Lagi ko kayang pinapanuod ang mga ito sa TV. O siya, tara na!” aking pagmamalaki sa kaniya.

Walang anu-ano’y nagsagwan ako gamit ang aking natitirang lakas sa unang pagkakataon at matagumpay ko itong nairaos! Dagdag pogi points ito sigurado. Isang taga Maynila na agad natuto mamangka. Nasa kalagitnaan na kami ng aming pamamangka ng mamalayan nalang namin na may matatamaan pala kaming nakausling puno. Marahil ay natangay ito ng bagyo kaya naka balagbag ito sa gitna ng ilog.

“Diay banger manong! Diay bangeeeer!”              - (Sa kabila manong! Sa kabila!)

Pasigaw niyang sabi sa akin! Sa pagkataranta ko ay hindi ko na alam ang gagawin kaya tumama kami sa punong nakasagabal sa ilog at nahulog.

Kahiya-hiya man, hindi ako marunong lumangoy kaya ako ang kaniyang sinagip sa pagkakalunod kasama ng ilan niyang gamit. Mga pinamili lang ang kaniya kaya agad niya itong nabawi subalit ang mga gamit ko ay isa isa nang nagkalat sa malawak na ilog. Ang mga nailigtas ko na lamang ay ang aking cellphone, pera, at ang kasalukuyan kong damit na kung hindi ko suot ay nasa aking bulsa.

Pag daong namin sa ilog, humingi ako ng tawad kay Miss Byu sa nangyari at inaya niya ako na tumuloy muna sa kanilang tahanan. Pag dating namin doon, ay agad kong napansin na wala ng ilaw sa labas ng kanilang tahanan. Yun bang parang makikita mo sa mga horror movies na may malabong ilaw ang tahan at wala ng ilaw sa labas. Pawang nasa loob na lahat ng tao at mga aso na lang at ang mga malalaking paniki ang naglipana sa paligid.

Laking gulat ng kaniyang mga magulang at kapatid ng makita siyang basang-basa. Dali-dalli siyang nilapitan ng mga ito at kinuha ang kaniyang mga dala. Kumakain sila noon ngunit lahat sila’y napatigil at agad siyang inasikaso. Nag-usap sila sa salitang ilokano kung kaya wala na akong masundan sa mga nangyayari. Nang maiakyat na ng mag-anak si Miss Byu sa kwarto upang makapag ayos at magpalit ng damit, ay siya namang paglapit sakin ng kaniyang tila nakatatandang kapatid na lalaki.

“Sumama ka sa akin, magpalit ka narin.”  wika nito.

“Salamat po. Pasensya na po sa abala”

“Ano nga palang pangalan mo? Taga saan ka? Pano at bakit ka nakarating dito sa amin?” Kanyang pag-uusisa.

Sa dami ng tanong, pakiramdam ko tuloy makakasuhan ako sa mga nangyari. Kaya agad-agad ko nalang ito sinagot.

“Elmer po ang pangalan ko, taga Maynila at naisipan ko lang po magbakasyon dito sa lugar ninyo.”

“Mga taga Maynila talaga, dayo ng dayo wala namang siguradong pupuntahan. Hindi pa ba kayo masaya sa buhay niyo sa siyudad? Masagana kayo doon hindi ba? … Franco nga pala..” Yan ang mga nabanggit niya sa akin habang hinahanapan ako ng damit sa isang kabinet na nasa labas ng mga silid.

“Gusto ko lang makalimot pansamantala”

“Mukang mabigat yang dinadala mo bata… Ilang taon ka na ba at tila pasan mo na yang daigdig? May nabuntis ka ba at tumatakas ka lang?”

“Hindi naman po, away pag-ibig lang. Hindi lang kami nagkasundo sa ilang bagay kaya magulo ang kinahinatnan.”

“Para naman kayong mga bata” Habang inaabot niya sakin ang mga damit na tingin niyang magkakasya.

Habang nagpapalit ako ng damit ay kinalas ko na ang aking cellphone upang mapatuyo. Umaasang gagana pa ito makalipas ang ilang oras kasabay ng pagsasampay ng mga natitira kong pera sa upuan malapit sa bintana.

Pagkalabas ko ng silid ay nasa sala na ang mag-anak kasama si Miss Byu. Mukang ako ang pinag-uusapan.

“Ilang taon ka na nga uli iho?” Tanong sakin ng kanyang ama.

“25 po.” Habang papalapit sa isang bakanteng upuan malapit sa pamilya. Umiinom ang ama at ang anak na lalaking nagpakilalang si Franco at inalok nila akong tumagay. Sa ginaw narin siguro na aking nararamdaman ay hindi na ako tumanggi.

“Kaidad mo lang pala itong si Lyka” wika ng amang mukang medyo nahihilo na sa dami ng kaniyang nainom.

Ang isa pang binata na kapatid nila ang tila taga masid kung ano ang maaari kong gawin. Kung isa ba akong masamang tao o isang taong mapagkakatiwalaan. Nakakailang siyempre. Pakiramdam ko talaga’y isa akong kriminal na minamatyagan ng napakaraming mata. Buti nalang nabanggit ng ama ang pangalan ni Lyka. Kahit papano’y malaking bagay na iyon.

Sa kalagitnaan ng aming kuwentuhan ay nangangati nanaman ang aking lalamunan na humahanap ng usok ng sigarilyo. Hindi ko tuloy naiwasang magtanong.

“May yosi ho ba kayo dito? o malapit na tindahan?”

“Sa bayan pa ang mga tindahan dito, walang naglalakas ng loob na mamuhunan dahil wala namang tao sa paligid kaya bagsakan kami kung mamili.”

“Badtrip naman, bakit ba kasi naglakas loob pa akong mamangka kanina.” wika ko sa aking sarili habang pilit na nilalasap ang aking mga labi sa kung ano mang natirang lasa ng sigarilyong patuloy ko ng hinahanap.

Alas-11 na ng gabi ng makatulog ang mag-ama at ng alukin ako ni Lyka ng isang tulugan na malapit sa may pinto. Wala daw kasi silang sobrang silid para sa mga bisita kaya sa sahig sila natutulog kapag may mga dumarating na kamag-anak.

Buhay na buhay parin ang mga tradisyong Pilipino sa tahanang ito. Buti narin sigurong nalaglag kami sa bangka kanina kaya narito ako ngayon at kusang loob nilang tinanggap bilang panauhin. Nagpasalamat ako kay Lyka at humiga narin sa binigay sa’king tulugan.

Ala-una ng madaling araw ay nagising akong muli. Hinanap ko ang aking cellphone at dali-daling tinignan kung magbubukas ito. Awa naman ng Diyos at ito’y gumana! Lumabas ako ng bahay nila Lyka upang makahanap ng maayos na signal. Nagbabakasakaling hinahanap narin ako ng aking sinisinta.

Habang ako ay nasa damuhan sa labas ng tahanan nila Lyka ay tumabi siya sa akin.

“Masarap bang mag mahal?” pag-uusisa niya sa akin.

“Oo naman. Masaya, masarap, minsan siyempre dumadaan din sa pagsubok. Bakit? Hindi ka pa ba nagmahal?”

“Dati, tumigil na ako. Pare-pareho naman karamihan ng mga lalaki. Mga manloloko sila.”

“Maka-lahat ka naman, kala mo nakilala mo na lahat ng lalaking nabubuhay.”

Kung ako ang tatanunging, hindi ko maisip kung pano magagawa ng isang lalaking lokohin ang isang gaya ni Lyka. Para sa mga kaliweteng lalaki, masasabi mong si Lyka na yung tipong pagmamalaki mo at magpapatino sa’yo kahit itsura lang ang pagbabasihan. Pano pa kaya kung pati ugali.

“Accounting Graduate ako. CPA narin ako ngayon. Pero hindi parin naging sapat yun sa kaniya.”

Wow, na “Forever Alone” ata tong si Lyka mula nung huling pag-ibig niya.

“Kayo? Anong naging problema?” patuloy niyang pag-uusisa…

“Wala naman, siguro nga binulag ko lang siya. Kaya pati yung pagbabago ko hindi na niya makita.”

“Manloloko ka rin pala…” matumal niyang naging sagot sa akin.

“Nagbabago naman ang tao. Puwede pa namang magbago ang tao.” pilit kong sagot sa kaniya.

“Kung talagang mahal mo siya, bakit ka nandito ngayon? Bakit hindi mo ipakita yang pagbabago mo?”

“Ginawa ko naman na lahat. Wala talagang nangyayari.” pagalit kong sagot.

Tumahimik kami ng ilang minuto at sabay naming tinignan ang mga bituwin sa kalangitan kasama ng isang napakaliwanag na buwan.

“Nakikita mo ba yang mga bituwing yan sa Maynila?” tanong niya sa akin.

“Hindi eh. Masyado nang marumi ang kapaligiran ng Maynila. Marahil inayawan na ng mga bituwing manatili doon.”

“Alam mo ba na ang mga bituwing iyan ay nasa Maynila rin? Hindi lang natin sila makita dahil sa dumi ng ipinapakita natin sa kanila. Parang sa sitwasyon niyo rin. Hindi niya makita yung pagbabago mo dahil nasa dilim pa siya ngayon. Nasa kanya pa yung alaala ng nakaraan.”

“Ginawa ko naman na lahat para makalimutan niya yung mga iyon.”

“Sumusuko ka kasi, kaya hindi niya ito malimot. Hindi lang naman pag-ibig ang bumubuo at nagpapatibay sa isang relasyon. Kasama doon yung tiwala at mga pangako niyo. Yung mga hirap at sayang naranasan niyo.”

“Hindi niya matututunan yung halaga ko kung hindi ako mawawala sa kaniya.” – agad ko namang pag kontra sa pahayag niya.

“Pag matagal kang nawala… Makakalimutan ka narin niya…” yan ang mga huling sinabi sakin ni Lyka at bumalik na siya sa loob ng kanilang tahanan. Pag gising ko ng umaga ay agad akong naghanda para makabalik ng Maynila. Nagpasalamat ako kay Lyka maging sa pamilya nito at umalis bitbit pa ang damit na kanilang pinahiram sa akin.

Habang ako ay nasa bus, inisip ko ng puntahan ang aking sinta at makipag-ayos sa kaniya. Ngunit kalakip ng desisyong ito ang mga huling katagang binitawan ni Lyka sa akin.

                “Pag matagal kang nawala, makakalimutan ka narin niya…”

Habang papalapit ako ng papalapit sa tinutuluyan ng aking mahal, ay patuloy na umiindayog ang aking dibdib na tila ba nalalapit na sa aking huling hantungan.

Pag katok ko sa pinto ng bahay na aming pilit na pinundar ay ang pagsalubong ng isang ngiting nagmula sa isang lalaking hindi ko kailanaman nagisnan, at habang ako’y nakatulala ay ang paglabas din ng aking sintang payakap na tumalon sa lalaking aking naabutan…

~ WAKAS ~


Ito ay  lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon) sa kategoryang "Maikling Kwento"

Ang Saranggola Blog Awards 2012



ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng 



Sponsors:


Ang Daan Pauwi


(Image Credit to fotopedia.com)
Ako si Pedro, isang bagong bukadkad na paru-paro. Nagpapatuyo pa lamang ako ng aking mga pakpak sa ngayon upang maging madali ang aking paglalakbay sa paghahanap ng iba ko pang kaanak.

Lima kami sa punong ito, at isa nalang sa amin ang hindi pa nakakalabas sa kaniyang cocoon. Habang amin siyang hinihintay ay nagkwentuhan muna kami ng ilan pa naming mga kasama.

“Pedro! Anong nakasulat sa liham na iniwan ng iyong ina?” Tanong sakin ng kasabayan kong si Linda.
“Gaya rin lang naman ng iba pang sulat na nagsasaad kung saan natin sila matatagpuan at mga gabay upang magpakatatag.”

Isa ng tradisyon sa aming mga paru-paro na iluwal sa parehong lugar kung saan nagsimula ang aming mga magulang. Marahil ang tradisyong ito ay ginawa upang malaman kung sino ang malalakas na makahahanap muli sa aming mga magulang o sa iba pa naming mga kasamahan.

Sa mundong aming iniikutan ay ang mga matatalino’t malalakas lamang ang natitira. Hindi kasi tinatanggap ng mga angkan ang hindi nila kakilala. Kaya’t ang mga hindi nakasusunod sa mga panuto na iniwan ng kanilang mga magulang ang siyang naiiwan at lumalaking mag-isa.

“Haaah…” mahabang hikab habang nagiinat ng aming pinakahihintay na si Jose.

“Ayun! Buti nalang at lumabas ka na… Magpahinga ka muna sandali at maya-maya pa’y aalis na tayo.” Bungad sakanya ni Linda.

“Eto naman, kakabangon ko palang aalis na agad tayo.” Sagot naman niya.

“Kung nagpahinga ka kasi ng maaga magkakasabay sana tayong lumabas.”

Bago pa man kami maging mga paru-paro ay sadyang hindi na nagkakasundo ang dalawang iyon. Si Linda ay iyong babaeng paru-parong palaging sumusunod sa mga panuto ng mga nakatatanda. Kung binabantayan kami ng angkan namin ay iisipin ko talagang sumisipsip lang siya upang pumabor ang lahat sa kaniya samantalang si Jose naman ay yung tipo na masaya na sa kung ano mang nakalatag sa kaniya.

Siyempre sa aming tatlo, ako naman yung matuturing na panabla. Hindi man ganun ka masunurin, hindi rin naman ganoon kapasaway.

Makalipas ang tatlong oras na paghihintay ay nakahanda na kaming tatlo. Nagpaalam na kami sa dalawa pa naming kasama at sabay-sabay kaming lumangoy sa himpapawid.

Iniwan na namin ang luntian naming tahanan na punong-puno ng prutas at nagpaalam narin kami sa iba pa naming nakasalamuha sa punong iyon. Buti nalang at pinaghandaan talaga ng aming mga magulang ang paglalagyan sa amin kung kaya malayo kami sa panganib na maaring idulot ng iba pang nilalang sa aming paligid.

“Ganito pala ang pakiramdam ng lumilipad.” Aking wika sa kanilang dalawa.

“Haha! Muka ka pa ngang natatakot eh! Nanginginig parin ang mga pakpak mo oh!” Tukso naman sa akin ni Jose.

“Maari bang bigyang atensiyon muna natin ang ating pupuntahan? Makakapagsaya rin naman tayo pagdating natin doon.” Agad namang basag ni Linda sa aming katuwaan.

Sa asul na kalangitan ay makikita mo ang mga puting ulap na tila ba nagpapahinga ang mga ito at sa ibaba naman ay iba’t iba pang may buhay gaya ng mga luntiang puno, matitingkad na daluyan ng tubig at iba’t-iba pang mga nilalang.

Sa gitna ng aming paglalakbay ay may nadaanan kaming isang hardin ng mga humahalimuyak na bulaklak na tila ba humahatak sa amin upang tunguhin ang mga ito.

“Tara! Puntahan natin iyon!” Agad na sigaw ni Jose sa amin.

Ngunit bago pa man makasagot si Linda ay nakababa na siya sa hardin na nasa loob ng isang malaki at saradong bahay. Makikita mo ang labas at loob nito kaya medaling nakakadaloy ang sikat ng araw upang mabigyang lakas ang mga halaman.

“Ano ba naman iyang si Jose! Hindi pa ba siya masaya na makakabalik na tayo sa atin?”

“Hayaan mo na, sasaglit lang din naman tayo dito. Sayang naman ang biyayang hatid sa atin ng mga bulaklak na iyon.”

Bumaba narin kami ni Linda at namili kami ng mga bulaklak na aming pupuntahan. Habang nagpapalipat-lipat kami sa mga bulaklak ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na tila ba’y may nagmamatiyag sa amin.

Sinubukan ko silang ayain ngunit hindi talaga namin mahatak si Jose sa saya nito sa kaniyang naabutan.
Habang umiinom si Jose sa katas na bigay sa kaniya ng namumulang bulaklak ay nangyari na ang hindi inaasahan.

Isang malaking lambat ang sa kaniya’y papalapit!

Mabilis ang paggalaw nito! Maaring mahuli si Jose sa kaniyang lugar ngayon!

“Aaaah!!!!” Sigaw ni Linda

Naitulak niya si Jose mula sa kamay ng isang taong nagnais na sila’y hulihin ngunit hindi naman niya nailigtas ang kaniyang sarili. Dali-dali kaming lumabas sa hardin na iyon at lumipad papataas habang isinisilid si Linda sa isang kulungan.

“Kasalanan kong lahat ito!” Galit na sigaw ni Jose.

“Wala na tayong magagawa sa sitwasyon Jose. Mahirap makipagsapalaran sa sitwasyon natin ngayon kung babalik tayo kay Linda.”

“Kung nakinig lang sana ako sa kaniya ay naroon na siguro tayo sa lugar ng ating angkan.”

Habang namumugto ang kaniyang mga mata ay nakaisip ako ng ideya mula sa nabanggit ni Jose kung kaya’t agad ko siyang hinatak at lumipad kami papalayo sa hardin.

“Saan tayo pupunta? Paano si Linda?”, tanong niya sa akin.

“Saan ba tayo dapat pumunta?”

“Eh papaano si Linda!? Hindi na siya makaalis doon!”

Pagdating namin sa angkan ay agad akong lumapit sa aming pinaka pinuno. Lumuhod sa kaniyang harapan at nagmakaawa upang matulungan kaming mapalayang muli si Linda.

“Babae si Linda. Mahalaga ang gaya niya sa ating angkan sapagkat siya ang magdadala ng mga susunod pang henerasyon!” Aking pilit sa pinuno.

“Kung tayo’y pupunta sa kaniyang kinalalagyan ay mas malaki ang posibilidad na maubos ang ating angkan.”
Kahit anong pilit ko sa aming pinuno ay patuloy itong nag matigas at pilit na iwinaksi ang aking mungkahi.
Habang ako ay nasa arko ng aming tinutuluyan ay lumapit sa akin si Jose kasama ang labing-apat pang mga paru-paro.

“Anong plano mo? Saan mo sila nahanap?”, aking pag-uusisa sa kaniya.

“Naikwento ko sa kanila ang nangyari at napapayag silang sumama at iligtas si Linda.”

Walang anu-ano’y agad kaming nagtungo muli sa lugar kung saan naroon at nakakulong si Linda. Nakita namin siya sa tabi ng mga halamang nakapaso at agad kaming nagplano.

Pinapuwesto agad namin ang lima sa aming mga kasama sa iba’t-ibang mga makukulay na bulaklak at kaming mga naiwan ay matiyagang nagmasid at naghintay sa muling pagsulpot ng nasabing lambat na siya ring humuli kay Linda.

Hindi pa man kami nainip ay dumating na ang aming hinihintay!
“Iwaaas!” sigaw ng isa sa mga kasamahan namin.

Dumating ang lambat sa gawing kanan, mabilis itong naiwasiwas at kaakibat nito ang isang malakas na bugso ng hangin.

Habang iniiwasan ito ng ilan sa aming mga kasamahan ay dali-dali naman kaming pumunta sa lugar na kinasadlakan ni Linda.

“Anong ginagawa niyo dito? Delikado, andiyan lang siya sa paligid!” Galit na tugon niya sa amin.
“Tara na!”  Sigaw ni Jose. “May mga umaasikaso na sa kanya.”

Habang nililito ng aming mga kasamahan ang may hawak ng lambat ay lahat naman kaming naiwan ay pilit na pinipihit ang hawakan na siyang natitirang balakid sa pagitan ni Linda at ng kaniyang kalayaan.

Pinihit namin ang hawakan nito pakanan, pakaliwa, pataas at pababa. Hinatak namin ito ng sabay-sabay hanggang sa maabot namin ang aming pinakahihintay na tagumpay.

“Bilisan natin habang hindi tayo napapansin ng nakahuli sa’yo.”

At habang nagmamadali kaming lahat ay sineniyasan na namin ang lima pa naming mga kasama na tapos na ang misyon. Kaya agad ng umangat sa paglipad ang mga ito at iniwang nalulugmok sa kaniyang kahibangan ang may hawak sa lambat.

Habang kami’y lumilipad pabalik sa aming angkan ay nagsama-sama muli  kaming tatlo. Si Jose, si Linda at ako.

Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat si Linda sa amin at agad namang naayos ang lahat.
Humingi rin ng tawad si Jose sa katigasan ng kaniyang ulo at tuluyan na kaming tumungong muli sa aming angkan.

Sa pagbabalik namin sa angkan ay sari-saring batikos at galit mula sa aming mga pinuno ang aming nalasap mula sa kanila. Hindi narin naman siguro ito bago dahil sa pagsuway namin sakanila.

Matapos ang ilan pang araw ay sabay-sabay uli kaming bumalik sa aming lugar ng kapanganakan. Sinamahan namin si Linda at ang napang-asawa nito sa pagsisilang niya sa kaniyang mga supling at doon ay nag-iwan kami ng isang liham sa tabi ng mga ito.

“Para sa mga susunod na henerasyon…
Sumunod sa mga panuto at wag sumuway sa mga paalala sainyo.
Magkikita tayong muli upang dugtungan ang isang natatanging kuwento.
Mag-iingat kayo.
Nagmamahal,
Jose, Linda at Pedro”

~ END ~

Ito ay  lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon) sa kategoryang "Kwentong Pambata"

Ang Saranggola Blog Awards 2012



ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng 



Sponsors:



Sonnet 14


You are everything to me
Loving you is what I want
Leaving you is what I can’t
Oath to love you have I plead
Having you is a treasure I shall keep
Jeopardy it might cause me
Under your leaves I plan to grow
Obnoxious it may be
You’re still everything to me
Evening, morning or night
Vigorously I’ll do anything
Older and older, our bodies might get tired
Loving you means everything in life
I’ll always love you

Here is a sonnet I’ve created a couple of years ago that I just wanted to share.
Hope you like it.

Reverie

(Image Credit to digitalblasphemy.com)

Got myself imprisoned in continuous bleeding
My mind stopped breathing
My heart refrain from thinking
But they didn’t stop me from loving
Loving a girl that understands me the most
Loving a girl that knows how I think
Loving a girl that makes me cry
Loving a girl that loves me for who am I
We had our ups and downs
Troubles, fear and arguments
Like a table which was round
We triumphed from our ailments
I wish I could have her back
The girl she was when I was a jerk
I wish I could have her back
The girl she was when I continuously lurk
We get our wishes for a reason
Guess it’s not yet the time
Hope she’d wait every season
For me to call her mine

I'll be transferring my works here from now on.. Hope you enjoy!

Taken 4 Granted



(Image Credit to Original Uploader)

It Was So Painful
That’s What She Felt
It Was So Awful Wished
She Had Enough Health

Health That’ll Help Her Live
From The Struggles That I Had Give
Struggles That Made Her Miserable
Such Actions That I Am Able

Though I Love Her
I Can’t Do A Thing
I Made Her Suffer
The Only One I Could Bring


She Had A Lot Of Options
Yet She Choose Me
Pain Without Caution
How Glad Can I Be?

Being TaKen 4 GranTeD
That’s What They Call It
Expressing Love Through Pain
With Such Foolish Habits…

We all have our problems in life, some focus on love, in financial, some just can't focus on anything...
This one is another blast from the past...


Illusion

This one of my creations back when I was in college.. During my freshmen years to be exact..


(Image Credit to Original Uploader)

Beneath My Bones
Is Where I Hide
A True Identity
That I Kept Inside

I Wear A Mask
So That They Can See
A Fake Identity
To Hide The Real Me

For They Can’t Understand
They Just Pretend That They Can
A Foolish Habit
Which For Them Was Fun

Look At My Illusion
Look At Him Well
Living In Darkness
Living In Hell

Thank You For Everything
For A Fake Happy Ending
With A Miserable Beginning
That Ends through Dying



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...