Kumentong Lutang

Makaraan ng ilang ulit kong pagiikut-ikot sa iba't-ibang blog. Lagi kong iniisip. Dapat ba 'kong mag-iwan ng aking kuru-kuro sa dulo ng bawat akda? Siguro. Hindi ko alam.

Sabi nila tahimik daw ako. Ang bulung-bulunga'y nakakatamad kausap dahil puro na lamang oo at pag-tango. Ano bang dapat? Lutang na kaisipan ko'y nagtatanong. Magkagayun ma'y ipagpaumanhin mo nalang ang daang tinahak ng pagtanda ko.

Napapagod ka na ba sa puro galit at hiyawan ng sama ng loob? Bahay, lansangan maging sa mga social media. Ano bang meron?

Demokrasya.

Demokrasyang pinaglaban natin ng paulit-ulit. Kalayaan! Pero mga sakim din naman lahat ang kumubra ng mga panaginip at hinaing ng bawat isa. Mga nakinabang sa pamamagitan ng matatamis na salita at ng salaping bumubuhay ng mga maliliit na bata.

Magulo. Walang laman.
Mga hinaing daw na butaw at walang permanenteng direksyon.

Kesyo maraming proseso, hindi una sa listahan. Pano, ultimo mga sangay nakikisawsaw sa matataas na posisyon para lamang magkaroon ng pwesto sa lipunan.

Ewan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...