Alab ng Kasalanan


Kailan ba nagiging sapat ang pagbabago? Kailan ba dapat sumuko? Hindi ba dapat magpatawad?

Tunay nga bang hindi kayang limutin ng isang nilalang ang pagkakasala ng iba sa kanya? Kahit na ang taong ito ay lubos na ang pagsisisi at pagbabago?

Kailan ba nagiging sapat ang sapat?
Kailan ba nagiging tama ang tama?

Nakakatuwang isipin na kahit na marami ang nagbabago, marami ang hindi naniniwala.
Kaya ba marami narin ang sumuko? Nasan na nga ba sila ngayon?
Sila na ba yung katabi mo? Oh yung taong minsang niloko mo?

Baka naman sila na yung taong nanloloko na sayo ngayon?

Minsan, kahit hindi mo labanan ng apoy ang apoy.. Sadyang umaalab parin ito..

Sa dami ng tanong, gano ka kasigurado sa iyong mga sagot? Mali bang mag tiwala? O maling magbago para pagkatiwalaan? Mahirap bang magparaya? O wala lang gustong nalalamangan o naaagrabyado?

Paulit-ulit man ang mga tanong... Sadyang ganoon ang nagiging reyalidad ng buhay.. Nasaan ka na nga ba ngayon? Ikaw ba yung nasa hanay ng mga nagtitiwala? o yung hanay ng mapanghusga at hindi nagpapatawad?


Ito ay isa sa mga inalathala ko sa kinokonsidera kong tahanang "Forum" site. Nasa ilalim ito ng "Free Writing Thread" kung kaya medyo inayos at minodipika ko pa ito ng kaunti.

Photo Credit: Wikipedia
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...