Tayo ang likas na yaman
Ng bansang tinaguriang Perlas ng Silangan
Higit pa sa kahit sinong dayuhan
Lingid lamang sa ating kamalayan
Tayo ang tunay na mananagumpay
Sa lahat ng dako, sa lahat ng sangay
Mga manggagawang nagbibigay buhay
Sa lahat ng larangan, sa iba’t-ibang kulay
Tayo ang mga manggagawang nagtitiis
Para sa pamilya, para sa ngiting kay tamis
Tunay na serbisyong walang kulang, walang labis
Para sa mga among sa ati’y nagnanais
Tayo ang lahing patuloy na nangangarap
Maabot lamang ang tagumpay at mga yakap
Ng anak na litrato lamang ang naiwang hawak
At ng pamilyang nakatingala’t nagmamasid sa alapaap
Tayo ang mga natatanging mamamayan
Mga bagong bayaning kanilang tinagurian
Kahit na patuloy na nasasadlak sa kahirapan
Maging ang kapalit nito ay buhay o kamatayan
Tayo ang likas na yaman
Ng bansang tinaguriang Perlas ng Silangan
Nilibot ang mundo upang makaahon sa kulungan
Na idinulot ng hindi maipaliwanag na kahirapan
Image Credit to : AngWikaBlog
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 2012 (Ikaapat na Taon) sa kategoryang "Tula"
Sponsors:
0 comments:
Post a Comment