Tahanan

Image Credits to: ColeyPane

Minsan pa’y isa nanamang masalimuot na karanasan
Araw-araw ay nababalot ng hindi magandang alaala
Ngunit mayroong isang lugar kung saan lahat ng ‘toy lumalapat
Natutuwid ang gusot sa tulong ng mga kaakibat

Lugar kung saan kapiling mo ang iyong pamilya
Hindi lang sa dugo dahil maaari ding sa wika
Lugar na kumukopkop at madalas na saksi
Sa iyong libo-libong pighati, sa araw man o sa gabi

Hindi man siguro kasing tatag ng iyong pagkatao
Hindi man permanente o nalolooban ng kung sinu-sino
Ngunit kahit nasaan ka man, o ano mang pinagkakaabalahan
Siguradong kahit anong mangyari, dito parin ang iyong huling hantungan

“Tahanan”, “balay”, o kung ano pa man ang tawag
Isa lamang ang pinupunto, at diyan pumapanatag
Hindi lahat ay istruktura, pisikal o tinulungan ng makinarya
Dahil ang tahanang maituturing ay kung saan ka lumiligaya

~ • ~

Ang akdang ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5


sa pakikipagtulungan ng



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...