Sa Gitna ng Delubyo


After the "Ondoy" like monsoon that hit the Philippines last August 7, 2012, (particularly in Luzon) I just though of creating something that at some point relate to the story.

~Sa Gitna ng Delubyo~

Sa malawak na lugar kami’y nagsiksikan
Matapos maisalba mula sa aming kinasadlakan
Sa ilalim ng langit, sa gitna ng kadiliman
Naging likas sa amin ang magtulungan

Kanya-kanyang hakot, akyat-panaog
Sa takot ng isa’t-isa’y daig pa ang pagsabog
Mga memoryang tumatak na sa aming mga sentido
Buhay na kinuha ng hagupit ng delubyo

Sa pagkakaisa’y nagkulang
Sa tubig nawala aming mga magulang
Nilibot ang nayon, maging mga ospital
Upang maibsan sakit sa damdaming nautal

Ang kalangitang madilim ang natatanging saksi
Ng aming simpleng kagitingan na layon ng gabi
Ang hangin na malamig ang siyang sa ami’y kumupkop
Habang lahat kami’y isa-isang na-tumpok

Sa gitna ng kalamidad, lahat kami’y naglaho
Nilikas ang tirahan, naiwan ng mga kabaro
Isang buong grupong umantabay sa balita
Nang aming marinig, mga pangalan nami’y nawika

~End~

Photo Credit: IRRI (International Rice Research Institute)

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...