Here is his challenge:
"You're alone in you're room trying to write. But for some reason, you're terrified. For a minimum of 200 words, write about what's scaring you."
Of course I thought about writing something that'd give goosebumps to a reader (if any) but still, something bothers me... So I wrote something that'll give me the fear that the challenge was asking for.. Hope this one would give you the awareness of how short life is.
This is my first story (short) ever made. Thanks.
~Kisapmata~
May 13, 2012
Madaling araw ng Linggo, ako’y ginising ng isang panaginip na sadyang hindi ko maunawaan. Isang panaginip kung saan maraming tao, at ang pangyayari ay naganap sa isang napakaliwanag na lugar. Pagsilip ko sa aking orasan ay alas-dos palang ng madaling araw at kami’y nasa biyahe parin ng aking mga kasama sa opisina dahil ngayon ay ang nakatakda naming “company outing”. Naalimpungatan ang katabi kong si Neilsen dahil sa tila bigla kong pagpumiglas bago ako tuluyang magising. Tinanong niya ako kung anong nangyari kung kaya’t ito’y aking inilahad sa kaniya. Ang hindi maalis sa isip ko nang mga oras na iyon ay ang tila hugis ngipin sa aking palad at habang ito’y aking pinagmamasdan sa aking panaginip ay siya ring naging hudyat ng aking paggising.
“Mukang binangungot ka ha?” Pag-uusisa ni Neilsen.
Hindi ko na sinagot ang tanong niyang yon at inaya ko na lamang siya muling matulog. Nasa Pampanga palang kami at apat na oras pa ang bibilangin upang makarating kami sa Pangasinan na siyang aming destinasyon. Alas-quatro imedya ng ako’y muling magising sa parehong panaginip at doon ay akin ng napatunayan na ang nasa mga kamay ko ay isang ngipin na nalaglag sa aking bibig. Habang inaalala ko ito ay tumunog ang aking cellphone. Ang aking ina ang nasa linya at kami’y kinakamusta niya. Bago matapos ang aming usapan ay binati ko na siya ng Happy Mother’s Day at hindi na ako makatulog muli matapos ang usapan naming yon.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay napansin ng aming lider na ako’y medyo balisa kaya’t inilahad ko sakanya ang aking napanaginipan. Walang anu-ano’y tinigil niya ako sa aking pagsasalita bago ko pa matapos ang aking kuwento at agad niyang sinabi na may mamamatay daw na miyembro ng aming pamilya ang nais ipahiwatig ng pagkakatanggal ng aking ngipin. Tinawanan ko lamang siya at sinabing “ang paliwanag sa mga panaginip ay walang sapat na basehan”, kaya pinilit na naming ituloy ang aming naudlot na kasiyahan.
Alas-diyes na ng gabi, ako’y nasa aking itinakdang silid at hindi makatulog. Iniisip ko parin ang paliwanag na sinabi sa akin kaya heto ako ngayon at hawak ang aking bolpen at kwaderno nang biglang tumunog ang aking cellphone.
“Umuwi ka na dito! Dalian mo!” malungkot na pasigaw na sambit ng aking ama…
Dali-dali akong umuwi sa aming bahay at sa pagbukas ng aming pintuan ay tumambad sa akin ang isang walang lamang tahanan…
~Wakas~