I created this one to preserve what I remembered during the early 90's... God Bless!
• Time Capsule •
Isa ako sa mga isinilang noong dekada nobenta
Kasagasagan pa noon ng buhay na malaya't masaganaPanahon kung saan ang mga bata'y nakakapaglaro sa kalsadaMalayo sa kahit ano mang peligro o disgrasya
Taon kung saan ang pamasahe sa dyip ay tatlong piso
Henerasyong malaking bagay pa ang isang dakot na mamisoSama-sama pang naglalaro ng patinteroSa gitna ng daan o kaya nama'y sa bawat kanto
Putik o alikabok sa pagsuong namin sa damuhan
Sari-saring laro: tumbang preso, bangsak o taguanMay mga siga rin noon at hari ng lansanganHindi nga lang gaya ngayon kung saan siga na ang karamihan
Sa taong ito, menor de edad na ang magnanakaw
Mga tagatak, tulak ultimo pati mga bugawKahirapan umano ang sakanila'y nagtulakKatagang "kapit sa patalim" at napakahigpit sa pagkakahawak
Dekadang nakapagtago pa ng lihim ng gobyerno
Kung kailan pati ang politka noon ay tila konserbatiboMga garapal ngayon na dati'y asal dalagang PilipinaTago kung trumabaho ngunit di maipagkakailang buwaya
Credits to Definitely Filipino for the Image!
0 comments:
Post a Comment