Pangarap


Whew, after a few minutes of free writing, I was able to pull something out of my tongue. I entitled this one as “Pangarap” (“Dreams”). Of course we all have our own share of dreams, but still, It’s such a pain when you know you’re near to an end and those dreams remain as they are. Still, keep dreaming!
Pangarap

Ang isang pangarap na mahirap matupad
Perang umiiral sa mundong mapalad
Makipot na landas ang iyong daraanan
Tungo sa dulo na hindi mo alam at walang kasiguruhan

Sa simula ng isang akda, ang aking delubyo
Nangarap ng gising habang may patalim saking sentido
Sa dilim ng paligid pangarap ko nawa’y mabago
Nang di na masaktan sa hirap ng mundo

Ngunit sadyang malupit ang pihit ng tadhana
Pangarap ko’y di nawaksi at ‘di inalintana
Sampal sa mukha kasama ng bawat harana
Hindi makausad kahit sa iilang talata

Tinta sa’king kamay na aking ulam sa umaga
Babasahin at pelikula na aking inuusisa
Upang ang mapurol na likido ay aking mahasa
Bigyang talas at liwanag ang aking madilim na katha

Likas mang tinatapakan, minamaliit, inaalipusta
Pangarap naman nami’y tulay sa ginhawa
Matupad man o hindi ito’y aming pinangangalagaan
Sa malupit na mundo ito ang aming pinanghahawakan


To God be the glory!

1 comments:

J. Kulisap said...

May mga pangarap na kung dumating minsan parang magnanakaw- hindi mo alam, mayron namang parang isang nagpapacute na manliligaw, nagpapacute na pala, pero ika'y nababaduyan. Ganun.

Anyway, may email ako sayo. Sana mabasa mo. Salamat

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...