Mula sa pakulo ni Maestro Sinto-Sintonado
Halos isang linggo na pala nung nailathala ang pakulong ito. Hindi ko alam pero nung nabasa ko yung mga tanong na inilatag ay tila ba nais ko ring makilahok dito. Pero nagdadalawang isip talaga ako dahil hindi naman ako kilala nung mga blog na nais kong pagbahagian. (Pero may mangilan ngilan naman ata.)
1) What is your own definition of music?
- Sa tingin ko, ang musika ay pamamaraan ng paglalahad ng saloobin ng isang Maestro. Maestrong hindi limitado sa mga inakala nating nagkukubli sa likod ng mga nota at mga himig kundi sa bawat pintig at tunog na nililikha ng bawat agos ng dugo.
2) Ano ano ang mga genre ng musika ang pinakikinggan mo?
- Ang mga genre ng musikang aking pinakikinggan ay yung tipong tingin ng iba'y maingay. Mga Rock , Alternatives o kaya nama'y mga kantang Screamo. Mga kantang sumisigaw ng aking mga saloobin dahil hindi ko ito magawa.. :)
3) Kung ikaw ay isang awit, anong awit ka at bakit?
- Kung ako ay isang awit, pipiliin ko yung kantang "Cage on the Ground" ng Flyleaf. Sa kantang ito kasi nakita ko ang pagsupil ng karakter sa kadilimang bumabalot sa kaniya. At kung mangyaring hindi ko maiwan ang aking kulungan sa mundong ito. Gusto ko ang huling mensahe nito na...
"So Trade those ashes for a Crown"
4) Kung may musical instrument kang gusto mong maging bihasa, ito ay ang.....
- Gusto kong maging bihasa sa Violin. Nakakaantig ang bawat wikang pinapahayag ng instrumentong ito para sa akin. Parang mga sundalong karayom na tumutusok sa bawat notang kanilang binibitaw. Lalo na kung ito'y nasa mga kamay ng isang tunay na Maestro.
5) Baduy ba para sa iyo ang mga kantang OPM (Original Pinoy Music) considering na isa kang Pinoy?
- Hindi. Hindi ko tinuturing na baduy ang mga kantang OPM. Pero sa tingin ko iilan nalang ang nakakapag bigay buhay sa mga awiting nalikha mula noong tumungtong ako ng pagbibinata.
6) Kung may isang stanza ng kanta na magsasabi ng tunay na nararamdaman mo ngayon, ano ang stanza na iyon, saang kanta galing at bakit?
So I Thought ng Flyleaf:
- On my knees, dim lighted room
Thoughts free flow try to consume myself in thisI'm not faithlessJust paranoid of getting lost or that I might loseMaraming pagsubok ang daraan sa buhay at ang laging dahilang naiisip ng makitid kong utak ay dahil ako'y "Tao lamang". Pero hindi ako nawawalan ng pananalig at tiwala sa Diyos. Sadyang nasusupil lang ng takot ang aking damdamin kaya natatakot akong mahatak ng pagkabigo sa kadiliman.
----------
Ang award na ito ay nais kong ibahagi sa mga tao sa likod ng mga obrang bumubuhay sa aking imahinasyon at patuloy na umuudyok sa akin upang lumikha ng mga akdang maglalabas lamang ng aking mga nais ipabatid at hindi dahil sa nais kong magpasikat sa madla.
Amphie ng Modernong Pluma
Breaker ng ACWrites
Author sa likod ng BabaePalasiSatanas
Jkulisap ng Kayumangging Damdamin
PadrePio ng Sa Kumbento ni PadrePio
Panjo ng Tuyong Tinta ng Bolpen
MissRed ng SanDocena
0 comments:
Post a Comment