Kasalanan ko ba?

wanderer


Masama ba loob mo kaibigan?
Wag ka mag-alala hindi ka nag-iisa
Dumaan din ako sa hirap..
Minsan ay mayroon din namang ginhawa

Nadidismaya ka ba sa paligid?
O di naman kaya'y sa mismong ginagalawan?
Naranasan ko rin yan
Ibang sitwasyon nga lang ang aking kinalagyan

Para sa mga tropang nagtagumpay!
Sabi nga nila... "Isa pang tagay!"
Pero sa mga tropang naghihikahos
Wag kang susuko hangga't may buhay.

Oo, hindi patas ang buhay
Naniniwala ka ba doon?
Kung oo... May isa pa kong tanong...
Papayag ka ba dun?

May kaniya-kaniya tayong kagalingan
Sa musika, teknolohiya at iba pang larangan
Pero gaya nga ng sinabi nila
Pag namatay kang naghihikahos, kasalanan mo na yun.

Pwede kang sumaya sa mga simpleng bagay
Kung maghangad ka man ng higit pa,
Wag kang mawawalan ng pag-asa
Hindi lahat nakukuha sa tiwala, kailangan din ng gawa...

Pero lahat dapat nasa tama...

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...