 |
| Image Credit to FotoCommunity |
Isa nanamang mainit at mabagal na usad ang dinatnan ni Mang Eduardo sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue. Mahabang biyaheng kailangan niyang daanan ng ilang ulit kada araw upang maghatid ng mga pasahero. Isang malawak na entabaladong kanyang iniikot na may dalang sari-saring kuwento.
Pasado alas dos na ng hapon ngunit ngayon palang kakain ang pagod ngunit kuntentong drayber na nakakadalawang ikot pa lamang sa nakatokang ruta mula kaninang umaga.
"Pare! Napansin mo ba yung nanakawan kaninang umaga sa may bandang Quezon Ave? Dalawang kumikikil tapos dalawang watcher sa magkabilaang pwesto.", paguusisa ng kanyang kundoktor kahit hindi pa tapos lunukin ang pagkaing kasalukuyan pa lamang nitong nilalasap sa bibig.